PACC, nakatakdang ipatawag ang mga idinadawit sa umanoy P6.8-M extortion controversy kabilang si Sec. Bello

Kumikilos na ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kaugnay ng alegasyon ng korapsyon kontra kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III at iba pang dawit sa umano’y P6.8 million extortion controversy.

Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, nakatakda nilang ipatawag ang mga personalidad na inaakusahang may kinalaman sa diumano’y extortion activity.

Paraan na din aniya ito ani Luna upang mabigyang-linaw at mapatunayan kung totoo ang alegasyon na kailangan din namang aksiyunan.

Kanila aniyang ikinukunsidera nang seryoso ang pag-aakusa mula sa isang Monalie Dizon kontra kay Bello kung kaya’t kailangang maimbestigahan para na rin sa interes ng publiko.

Si Bello at iba pang opisyal ng DOLE ay isinasangkot sa P6.8 million extortion case sa Azzizah International Manpower Services. | ulat ni Alvin Baltazar