Pabahay sa mga dating rebelde at katutubo, inilunsad ni Gen. Sobejana

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana ang paglulunsad ng proyektong pabahay para sa mga dating rebelde at katutubo sa Godod, Zamboanga del Norte kahapon.

Ang proyekto ay pinagtulungan ng AFP; Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) – Zamboanga del Norte sa pangunguna ni Governor Roberto Uy; Municipal Task Force – ELCAC Godod sa pangunguna ni Mayor Abel Matildo; at National Housing Authority (NHA).

Nasa 200 NHA housing units ang itatayo, kung saan 100 ay para sa mga nagbalik-loob na komunista; at 100 naman ang para sa mga na-displace na katutubong Subanen/Kalibugan.

Sinabi ni Sobejana na ang proyekto ay patunay ng pagsisikap ng pamahalaan na matulungan ang mga naligaw ng landas na makapagbagong buhay.

Naniniwala naman si Sobejana na ang proyekto ay lilikha ng isang ligtas at progresibing komunidad kung saan maaring mamuhay ng mapayapa ang mga mamamayan.

(Photos by TSg Randulf Obinque PAF/PAOAFP)