Pabahay para sa OFWs, sinimulan na ng NHA na itayo sa Kidapawan, North Cotabato

Itinatayo na ng National Housing Authority (NHA) ang OFW Village o pabahay para sa mga Overseas Filipino Workers na taga-Mindanao.

Ang naturang pabahay ay para sa mga distressed OFW na walang sariling bahay at lupa na naapektuhan ng sunod-sunod na lindol noong 2018.

Ang housing project na mayroong 181 lote kung saan tatanggap ng 120 square meters ang bawat OFW.

Inisyatibo ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang naturang pabahay matapos siyang makipag-ugnayan sa NHA bilang vice chair ng Senate Committee on Housing and Development.

Naghain ng Senate Bill No. 203 ang senador para sa pagpapatuloy na lagyan ng pondo ang implementasyon ng major components ng National Development and Production Housing Program.

Inihain rin niya ang Senate Bill No. 1227 para sa rental subsidy sa mga displaced families o nawalan ng tahanan.

Sinabi ng NHA na posibleng matapos ang OFW Village sa susunod na taon para magkaroon ng desente at simpleng tahanan.

Nagbigay din ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE), at ang Department of Trade and Industry (DTI) ng livelihood assistance at skills training programs.

Napondohan na rin ang konstruksyon ng multi-purpose building sa Barangay Sikitan pati na rin ang Del Pilar Bridge na nag-uugnay sa Brgy. Linangcob at Brgy. Del Pilar sa bayan ng Magpet at kongkretong kalsada sa Brgy. Poblacion.

May pondo na rin ang Guangan Bridge, pati na ang multi-purpose building malapit sa public market, at Liga ng mga Barangay Office sa bayan ng Makilala.

Matatandaang noong October 2019, magkasunod na 6.6 at 6.5-magnitude na lindol ang North Cotabato at iba pang bahagi ng Mindanao.