Paalala ni AFP Chief Madrigal sa mga sundalo: dumistansya sa politika

Pinaalalahanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal ang mga sundalo na dumistansya sa politika.

Ginawa ni Madrigal ang paalala sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang kampo ng militar, na sakop ng Western Mindanao Command (WestMinCom) kahapon, partikular sa probinsiya ng Basilan at Sulu.

Babala ni Madrigal, na mananagot ang mga opisyal at mga sundalo na makikisawsaw sa politika.

Pinaalalahanan din ng chief of staff ang mga sundalo sa kahalagahan ng plebisito at maging ng nalalapit na midterm elections.

Binigyang-diin ni Madrigal sa mga sundalo, na ang pangunahing papel ng AFP ay matiyak ang kapayapaan at seguridad sa mga nalalapit na political exercises.

Una nang sinabi ni Madrigal, na 10,000 sundalo ang idedeploy ng AFP para sa isasagawang Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite sa Lunes. | ulat ni Leo Sarne