P500 grocery voucher para sa mga maliliit na manggagawa, hiniling ng ALU-TUCP na ipagkaloob na

Muling iginiit ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na aprubahan na ang hinihingi nilang P500 na grocery vouchers para sa may apat na milyong minimum wage contractualized at endo workers sa bansa.

Ito’y dahil sa muling pagsipa ng inflation rate na unang tinamaan ay ang mga maliliit na manggagawa

Ayon kay Allan Tanjusay, spokesperson ng ALU-TUCP, napupunta lamang sa mataas na presyo ng bigas, gastusin sa transportasyon at sa pagpapaaral ang naiuuwing arawang kita ng bawat manggagawa.

Pero hanggang ngayon ay walang safety nets ang gobyerno at mga employers para protektahan ang mga ito.

Aniya, kung may pagkalinga ang mga employer at mga kumpanya sa isang ekstraordinaryong panahon ngayon, mainam na makapagbigay muna ng non-cash fringe benefits ang gobyerno para makaramdam ng konting ginhawa ang mga manggagawa.

May pending na petisyon para dito ang grupo kay Pangulong Duterte pero ang inendorso ng Department of Labor and Employment ay P200 kada buwan lamang.  | ulat ni Rey Ferrer

Photo courtesy: ALU-TUCP