P4 milyon halaga ng sigarilyo na tangkang ipuslit papuntang Australia, nasabat ng Bureau of Customs

Abot sa P4 milyon halaga ng sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang mga sigarilyo ay galing sa isang lokal na kumpaniya mula sa Novaliches, Quezon City na ipapadala sana sa Australia.

Una itong idineklara bilang mga Paper Hand Towel pero sa isinagawang eksaminasyon, dito nadiskubre ang nasa 2,520 reams ng sigarilyo.

Kinumpiska na ang kontrabando at ipinasa na ang kaso sa Bureau Action Team Against Smugglers (BATAS) para sa kaukulan pang imbestigasyon.

Ito’y para matukoy ang mga taong nasa likod ng illegal shipment at mapanagot sa batas.