P27 billion disaster fund sa 2022 budget, sapat para matulungang makabangon muli ang mga tinamaan ng bagyong Odette

Nasa P27 billion na disaster response-related funds ang maaaring magamit ng pamahalaan pantugon sa pananalasa ng bagyong Odette matapos malagdaan ng Pangulong Rodrigo Durterte ang 2022 national budget.

Tinukoy ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang 7 bilyong contigency fund sa pambansang pondo na maaaring magamit pantulong sa mga tinamaan ng bagyo sa Visayas, Mindanao at Southern Luzon.

Bukod pa aniya ito sa P20 billion NDRRM fund at hiwalay pang disaster response-linked funds ng bawat ahensya.

Diin ng Cagayan de Oro solon, mahalaga na agad matulungan sa pag bangon at pag sasaayos ng kanilang kabahayan at kabuhayan ang mga biktima ng kalamidad.

Kung matatandaan, una nang ipinag-utos ng Pangulong Duterte ang paglalaan ng 10 billion para sa Odette rehab kung saan bahagi ay mula sa 2021 national budget.

Dahil sa pirmado na aniya ang 2022 GAA ay maiging i-disburse na ng Department of Budget and Management ang karagdagang halaga.