P220 taas-sahod ng mga empleyadong JO, COS sa Davao, ipapatupad

Ikinatuwa ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Davao City na nasa job order (JO) at contract of service (COS) ang ginawang pag-anunsyo ni Mayor Inday Sara Duterte kahapon sa kanyang State of the City Address, ang ipapatupad na umento sa kanilang sweldo.

The State of the City Address of Mayor Inday Sara Duterte 2019:

Posted by City Government of Davao on Sunday, October 13, 2019

Ayon kay Mayor Sara, makakatanggap ng dagdag na P220 na increase sa sweldo kada buwan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, simula ngayong January 2020.

Sa kasalukuyan, nasa P455  kada araw ang sweldo ng mga job order at COS, na mas mataas sa itinakdang minimum wage na P396 kada araw.

Dagdag ng alkalde, nais niyang masiguro na makakatanggap ng mas mataas na sweldo ang mga empleyado na nasa JO at COS, kung saan halos magkahalintulad ito sa tinatanggap ng mga nasa pinakamababang permanent position.