P21.9-M halaga ng marijuana, sinira sa Kalinga

Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar, ang Kalinga PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa kanilang tuloy-tuloy na operasyon sa pagwasak ng mga taniman ng marijuana sa Kalinga.

Sa huling ulat ng PNP Kalinga na nakarating sa PNP Chief, P21.9 milyong halaga ng marijuana ang sinira sa Barangay Buscalan, Loccong at Butbut Proper, sa Tinglayan, Kalinga.

Sa kabuuan, ay 96,500 fully-grown marijuana plants at 65,000 seedlings ang natagpuan at sinunog ng PNP at PDEA, sa sunod-sunod na magkasanib na operasyon mula July 14 hanggang 16.

Una rito, ay P25.8 million halaga ng marijuana plants ang sinira din sa dalawang araw na operation sa Tinglayan.

Sinabi ni Eleazar, na magtutuloy-tuloy ang operasyon ng PNP partikular sa Cordillera laban sa mga ilegal na marijuana plantations.

Hinimok ni Eleazar ang publiko, na makipagtulungan sa mga pulis at i-report ang mga lokasyon ng ilegal na taniman ng marijuana sa kani-kanilang mga lugar.