P2 per minute travel charge ng Grab PH, sinuspinde na ng LTFRB

Ipinag-utos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang suspension sa kontrobersiyal na P2 per minute travel charge na ipinatutupad ng transport network company na Grab Phils.

Base sa inilabas na resolusyon ng LTFRB na pirmado ni LTFRB Chairman Martin Delgra, mananatiling suspendido ang paniningil ng Grab habang isinasailalim sa review ng board ang naturang usapin.

Una nang nanindigan ang pamunuan ng Grab PH na ligal ang kanilang paniningil ng 2 pesos na time travel rate kahit na walang approval ng LTFRB.

Sa nakalipas na pagdinig sa LTFRB una nang inatasan ang Grab na ibaba ang kanilang price surge alinsunod sa direktiba ng board noong Disyembre ng taong 2016 na dapat ay nasa times 1.5 lamang ang surge cap mula sa dating times 2. | via Rey Ferrer