P100,000 nominal remarks sa pagbibigay ng regalo sa mga nasa gobyerno, produkto ng twisted story — Belgica

Tinawag na fake news ni (PACC) Commissioner Greco Belgica ang umano’y kanyang pahayag na maituturing na nominal ang P100,000 para ipang-regalo bilang token of appreciation sa mga nasa gobyerno.

Ayon kay Belgica, twisted story ang naturang balita na lumutang nang siya’y nakapanayam sa isang TV show.

Binigyang-diin ni Belgica na ang P100,000 nominal remarks niya ay kanya lamang ginamit na “halimbawa” upang idetermina kung ang isang halaga ay maituturing na insignificant o hindi naman gayung kalaki. /

Inihayag ng PACC official na dapat na maging malinaw ang batas tungkol dito.

Ang reaksiyon ay ginawa ni Belgica sa gitna ng pahayag kahapon ni Senador Panfilo Lacson na masyadong malaki ang P100,000 bilang nominal amount.