P1.6-B na pondo umano para sa dagdag na deputy speakers, pinabulaanan ni House Speaker Cayetano

Pinasinungalingan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang balitang ipinakakalat umano ng isang blogger, na mayroong inilaang P1.6 na bilyong pondo ang Kamara para sa dagdag na walong deputy speakers.

Sa ambush interview kay Cayetano, sinabi nito na fake news ang balita, at gusto lamang sirain ang kredibilidad ng mabilis na pagpapasa ng Kamara sa P4.1 trilyong pisong 2020 National Budget.

Paglilinaw ng mambabatas, ang naturang halaga ay gagamitin para sa capability enhancement sa research, paghahanda sa Salary Standardization Law 5, dagdag na mga komite, at pagsasaayos ng iba pang pasilidad ng House of Representatives.