Ozamiz Chief of Police Espenido, bibisitahin sa Camp Crame si Ardot Parojinog

Nakatakdang magtungo sa Camp Crame si Ozamiz Chief of Police Jovie Espenido para kausapin si Ardot Parojinog na nakaditine sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Ayon kay Espenido, marami siyang gustong malaman kay Ardot kaya gusto niyang personal na makausap ito.

Sa Custodial Center idiniretso si Ardot Parijinog nang dumating ito mula sa Taiwan noong Biyernes matapos i-turn over ng Taiwanese authorities sa PNP.

Una nang sinabi ni Espenido na mas gusto sana niyang sa Ozamiz ikulong si Ardot dahil ang Ozamiz PNP ang nagtrabaho para makasuhan si Ardot.

Aniya, naaresto din sa Taiwan si Parojinog dahil sa impormasyon na ibinigay nila. 

Pero sinabi ng PNP Chief na ang korte at hindi ang PNP ang magdidesisyon kung saan ito ididitine. | ulat ni Leo Sarne