OWWA Caraga OIC Ma. Ireen Cambaling, nakipag-usap sa ina ng OFW na biktima ng hit and run sa Saudi

Nakipag-usap si  OWWA Caraga OIC Programs and Services Chief Ma. Ireen Cambaling sa ina ng na-hit and run na OFW sa Jeddah, Saudi Arabia na si Roberto Ayaton, 51-anyos.

Si Roberto ay halos 16 taon nang nagtatrabaho bilang heavy equipment worker sa isang kumpanya sa Jeddah. Nabundol ito ng sasakyan nang papasok na sana sa trabaho, umaga ng Hunyo 12.

Ayon sa ina ng OFW na si Lina Equibal, nakausap pa niya si Roberto noong Hunyo 15 sa pamamagitan ng video call at humingi ng panalangin na sana ay maging matagumpay ang operasyon kinabukasan.

Ayon kay Lina, naikwento ni Roberto na sa likod ito nabundol at apektado ang kanyang spinal cord. Nalaman na lang nitong Hunyo 18 ni Lina na namatay ang anak na si Roberto.

Sa ngayon ay tinutulungan ng OWWA Caraga si Lina at sasamahan bukas sa DFA Caraga upang maipadala ang kakailanganing dokumento para maibalik na agad sa Butuan ang bangkay ni Roberto.

Sinisiguro naman ni OWWA OIC Cambaling na kapag maayos na lahat ng papeles ay maibibigay agad ng gobyerno ang P250,000 financial assistance, P20,000 burial assistance, at P15,000 para sa livelihood sa ilalim ng Education and Livelihood Assistance Program o ELAP.

Naulia ni Roberto Ayaton ang kanyang apat na anak sa Pilipinas. | ulat ni Jocelyn Morano, Radyo Pilipinas Butuan