Outlet ng Bigas ng Masa Tienda, bubuksan na rin sa Maynila, ayon sa Department of Agriculture

Ito’y tugon ng DA sa pangako na ikakalat sa buong bansa ang mga outlet na direktang ang mga magsasaka mismo ang magbebenta ng kanilang agricultural products sa mga consumer sa mas mababang presyo kumpara sa mga pribadong pamilihan.

Inanunsyo na ng Department of Agriculture na magbubukas na ito ng mga outlet ng Bigas ng Masa Tienda sa San Andres Maynila.

Ito’y tugon ng DA sa pangako na ikakalat sa buong bansa ang mga outlet na direktang ang mga magsasaka mismo ang magbebenta ng kanilang agricultural products sa mga consumer sa mas mababang presyo kumpara sa mga pribadong pamilihan.

Sinabi ni Agriculture Sec. Manny PiƱol, bubuksan ng Agribusiness and Marketing Office ng DA ang panibagong outlets sa Bureau of Plant Industry Office sa Maynila sa susunod na linggo.

Matapos ang matagumpay na pagbubukas ng Bigas ng Masa Outlets sa Agribusiness Center sa central office ng ahensiya sa Quezon City nitong nagdaang araw, nagpakita naman ng interes ang iba pang farmers’ cooperative na makiisa sa programa ng ahensiya.

Pangunahing ibebenta sa mga Tienda outlets ang magagandang klase ng bigas na mabibili lang sa halagang 38 pesos kada kilo mas mura sa 45 pesos na benebenta sa merkado. | via
Rey Ferrer