Outgoing DICT OIC Eliseo Rio Jr., nagpasalamat kay Pangulong Duterte

Nagpaabot na ng kanyang pasasalamat si outgoing Department of Information and Communications Technology (DICT) OIC Eliseo Rio Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Rio ang pagpapasalamat sa Pangulo sa isinagawang cabinet meeting kamakalawa.

Partikular na pinasalamatan ni Rio ang Presidente, dahil sa oportunidad na makapagsilbi sa administrasyon nito.

Si Rio, na 4th placer sa ECE Licensure Examination noong 1971, ay itinalaga sa DICT bilang Undersecretary for Special Concerns noong September 2016.

Nagpahayag din siya ng kahandaang makipagtulungan kay DICT incoming Secretary Senador Gregorio Honasan. | ulat ni Alvin Baltazar