Outgoing AFP Chief Gen. Galvez, nais ilagay ng Pangulo sa OPAPP

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Carlito Galvez sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inihayag ito ng Pangulo sa ginawang cabinet meeting kagabi.

Sa sandaling tanggapin ni Galvez ang posisyon sa OPAPP, siya ang papalit sa nagbitiw na dating OPAPP chief Secretary Jesus Dureza.

Nakatakdang magretiro sa military service si Galvez sa darating na Disyembre 12 kasabay ng kanyang ika-56 na taong kaarawan.

Papalit sa kanya ang kanyang kaklase sa PMA class 85 na si Lieutenant General Benjamin Madrigal, Jr. | ulat ni Alvin Baltazar