Outdoor exercise at swimming pool sa private residential areas sa Taguig, papayagan ngayong ECQ

Pahihintulutan ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig ang mga residente na mag-outdoor exercise, sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa Safe City Task Force, maaaring mag-exercise ang isang indibidwal pero limitado sa barangay kung saan ito naninirahan at dapat ay walang kasama.

Gayundin, ang individual outdoor non-contact sports at iba pang uri ng exercise.

Kailangan lamang dalhin ang Taguig Unified Quarantine Pass, na ipiprisinta sa mga awtoridad na nagbabantay sa control points.

Papayagan din na mag-outdoor exercise ang menor de edad bastat may isang kasamang guardian o magulang.

Samantala, hahayaan ng city government na magbukas ang mga swimming pool sa private residential establishments, ngunit dapat itong i-monitor ng property management at administrators.