Organizers ng community pantry sa Parañaque na walang koordinasyon, di pananagutin

Hindi parurusahan ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang mga organizer ng community pantry sa lungsod na walang koordinasyon sa barangay.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, sa halip na patawan ng parusa ay tutulong ang mga barangay na mapanatili ang minimum health protocols sa mga bagong community pantry upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ipinunto ni Olivarez na ang food drive ay maituturing na bayanihan kaya dapat sinusuportahan ang taumbayan.

Hinihikayat aniya ang mga residente na magtayo ng mga community pantry bagama’t hindi maibibigay ng LGU ang pangangailangan.

Dagdag pa ng alkalde, malaking bagay para sa kanila ang ganitong inisyatiba kaya marapat na ipagpasalamat.