Orange alert, itinaas na sa QC, paglilikas sa mga residente sa mga bahaing barangay at landslide-prone areas, nagpapatuloy

Puspusan na ang ipinatutupad na preemptive evacuation ng mga residente sa mga low lying at landslide prone areas sa Lungsod Quezon.

Ito’y bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong Rolly sa Metro Manila na nasa signal number 3 na, ayon sa PAGASA.

Itinaas na rin ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang Orange Alert sa lungsod.

Lahat ng search and rescue teams ng QCDRRMO at medical responders ay on standby na sa lungsod sakaling kinakailangan ang mga ito.

Nagtalaga na rin na mga evacuations centers ang city government sa iba’t ibang lugar sa lungsod na puwedeng magamit ng mga residente.

Kaugnay nito pinapayuhan ang ang mga residente na sumunod sa mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, kabilang sa mga landslide-prone barangay sa lungsod ay ang Barangay Bagong Silangan, Bagumbayan, Batasan Hills, Blue Ridge A at B, Commonwealth, Culiat, Escopa 4, Fairview, Holy Spirit, Kaligayahan, Libis, Loyola Heights, Matandang Balara,
Pansol, Pasong Putik, Pasong Tamo, Payatas, Sta. Monica, St. Ignatius, Sta. Lucia, Ugong Norte, UP Campus, at White Plains.

Habang ang mga low lying barangay naman ay ang Apolonio Samson, Bagong Silangan, Doña Imelda, Mariblo, Masambong, at Roxas.