Oral Polio Vaccination forum, isinagawa sa Davao Ctiy

Isinagawa ngayong araw ang isang forum ukol sa Oral Polio Vaccination sa lungsod ng Davao City na dinaluhan ng mga doktor at iba pang mga health worker ng Department of Health (DOH) XI, Davao City Health Office at iba pang health workers ng lungsod.

Sa nasabing forum, nilinaw ng mga health expert ang lahat ng detalye ukol sa oral polio vaccine kung saan naging resource speaker ang mga health expert na sina Dr. Sally Gatchalian, national president ng Philippine Pediatric Society at Dr. Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination.

Binigyang diin nina Gatchalian at Bravo, ang kahalagahan ng pagpabakuna ng lahat ng mga kabataan limang taong gulang pababa upang maging protektado ito sa sakit na polio.

Siniguro naman ng Department of Health XI at ng Davao City Health Office, na handa na ang ahensya para sa unang round ng massive vaccination laban sa polio na mag-uumpisa ngayong October 14-27, 2019.

Maliban sa mga health center, magkakaroon din ng satellite vaccinations na isasagawa sa ilang private hospitals ng Davao City ng libre.