Oplan tokhang, itutuloy ni PNP Chief Eleazar

Itutuloy ng Philippine National Police (PNP) ang kontrobersyal na “Oplan Tokhang,” bilang bahagi ng pinaigting na anti-drug campaign.

Sinabi ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, na nagkaroon lang ng misconception ang mga tao, at iniugnay ang salitang tokhang sa mga namamatay na suspek sa anti-drug operations.

Pero nilinaw ni Eleazar, na ang Oplan Tokhang ay simpleng house visitation lang upang pakiusapan ang mga known drug personalities, na tumigil na sa kanilang maling gawain at matulungan na ma-rehabilitate.

Giit ni Eleazar, walang kinalaman ang Oplan Tokhang sa mga police anti-drug operations.

Paliwanag ni Eleazar, ang kanilang mga police anti-drug operations ngayon ay nakatutok sa mga high value target, at hindi lang mga ordinaryong street pusher.

Naniniwala si Eleazar, na on-track ang kampanya kontra droga, at patunay aniya nito ang mga operasyon kamakailan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), kung saan mahigit sa 20 kilo ng shabu ang kanilang nasasabat.