Oplan Bakal at Oplan Sita, ipatutupad na ng PNP bukas sa pagsisimula ng nationwide gun ban

Ipatutupad na ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Bakal at Oplan Sita simula bukas, Abril 14, sa pagsisimula ng nationwide gun ban kaugnay ng darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa May 14.

Ayon kay PNP Spokesperson Csupt John Bulalacao, mula bukas hanggang Mayo 21 ay suspendido na ang lahat ng ‘Permit to Carry Firearms outside Residence’ (PTCFOR).

Tanging mga unipormadong pulis, sundalo at mga miyembro ng law enforcement agencies lang ang pwedeng magdala ng baril sa labas ng tahanan.

Suspendido rin aniya ang Issuance ng Permit to Transport ng mga Baril at Explosive Ordnance, alinsunod sa Resolution ng Comelec.

Simula din bukas ay irerecall din lahat ang mga pulis na assigned bilang Security Escorts ng mga Opisyal ng gobyerno at ilang mga pribadong indibidwal.

Ayon kay Bulalacao, asahan na ng publiko ang mga checkpoints sa mga lansangan bilang bahagi ng ipatutupad na Nationwide Gun ban. | via Leo Sarne