Operasyon ng isang malaking logging company sa Zamboanga, ipinasususpinde ni Pangulong Duterte

Ang hakbang ay ginawa ng Pangulong bilang pagtugon na din sa pagka-alarma ng mga grupo ng indigenuous people sa nabanggit na lugar.

Ipinasususpinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang logging concession sa Zamboanga Peninsula.

Ang hakbang ay ginawa ng Pangulong bilang pagtugon na din sa pagka-alarma ng mga grupo ng indigenuous people sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nagbunsod din sa Pangulo upang magpasiya sa pagsususpinde ay ang naging epekto ng widespread illegal logging sa maraming lugar sa Mindanao gaya ng flashflood na naitala nitong nakaraang bagyong Vinta.

Batay sa inilabas na impormasyon ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol, galit aniya si Pangulong Duterte sa kahapong Cabinet meeting at inatasan si Environment Secretary Roy Cimatu na ipasara ang logging operation ng SODACO Agricultural Corporation.

Base sa inilabas pang impormasyon ni Pinol, sa unang pangalan tinawag ng Presidente si Cimatu na nagsabing, “Roy, ipasara mo yan. Hindi naman maghihirap yan si Consunji kasi Oligarch na yan.”

Sinasabing ang pamilya Consunji ang may-ari ng kumpanya na may operasyon din sa bayan ng Sibuco, Sirawai at Siocon. | via Alvin Baltazar