Opening of classes sa Pangasinan, payapa

DAGUPAN CITY–Patuloy na nakaalerto ang Pangasinan Police Provincial Office ngayong unang araw ng pasukan.

Ayon kay Police Chief Inspector Norman Florentino, pinunong Public Community Relations Office ng Pangasinan Police Provincial Office, maagang idineploy ang kapulisan para magbigay seguridad sa mga estudyanteng balik-eskwela ngayong araw.

Sa kasalukuyan ay nananatili naman aniyang maayos ang seguridad sa buong probinsya partikular na sa mga paaralan.

Ilan lamang sa mga nakitang problema ay ang pagsikip sa daloy ng trapiko lalo na sa mga pangunahing kakalsadahan sa lalawigan partikular sa mga malapit sa paaralan.

Magpapatuloy naman ang kanilang alerto at pagbibigay-gabay sa mga mag-aaral at umaasa itong makikipag-tulungan sa kanila ang publiko lalo na sa pagsunod sa mga paalala at panuntunan para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa. | ulat mula sa DZMQ Dagupan