OPAPP, tatangkaing magkaroon ng MNLF-MILF Joint Accord Committee

Nakatakdang makipag-pulong bukas si Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez kay MNLF Chair Nur Misuari.

Ito’y sa harap ng kanyang gagawing pagtatangka para magkaroon ng tinatawag na Moro National Liberation Front-Moro Islamic Liberation Front (MNLF-MILF) Joint Accord Committee sa gitna na rin ng pagnanais ng administrasyon na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Kabilang na dito ang BASULTA o Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na ayon kay Galvez ay kilalang balwarte ni Misuari.

Sa kabilang banda’y dapat pa aniyang pag-aralang mabuti kung lilikha din ng isa pang regional government para sa MNLF.

Titingnan aniya nila ang peace agenda ng MNLF at mula dito ay kanilang titimbangin kung ito’y magiging aplikable base sa magiging pagtaya rin mismo ng Chief Executive.