Online filing ng certificate of candidacy, pinakokonsidera ni Rep. Rodriguez sa COMELEC

Bukod sa online voter’s registration ay ipinapanukala rin ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez, na gawing online ang filing ng certificate of candidacy (COC).

Ayon sa mambabatas, para sa kapakanan ng kalusugan sa gitna ng pandemya mas mainam na gawin na ring online ang pagsusumite ng COC.

Diin pa ng mgambabatas maghahain sya ng panukala kung saan nakasaad na maaaring personal o via online ang paghahain ng COC.

Pagtitiyak naman ni COommission on Elections (COMELEC) Commissioner Marlon Casquejo kay Rodriguez, na muli niyang ilalapit sa COMELEC en banc ang naturang suhestiyon ng mambabatas.

Batay sa calendar of events na inilabas ng poll body, sisimulan ang filing of COCs sa October 1 hanggang 8.