One Hotel Command, binuo para tutukan ang mga tutuluyang mga hotel ng Filipino inbound passengers kasunod ng bagong polisiya sa quarantine protocols

Kasunod ng bagong quarantine policy para sa mga papasok ng bansa, Pinoy man o dayuhan ay binuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang One Hotel Command.

Ito ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Tourism (DOT).

Nilikha ani Nograles ang One Hotel Command lalo’t mas magiging matagal ang quarantine period ng mga inbound travellers na nasa minimum number of 10 days.

Layon ng pagbuo ng command center na mas maging maganda ang koordinasyon sa mga hotel na tutuluyan ng mga uuwi sa bansa.

DOT ani Nograles ang siyang nakaka-alam sa kung ilan pa ang kapasidad ng mga hotel na tutuluyan ng papuntang mga biyahero sa Pilipinas at kung sakali’t kailangan ng adjustment ay dito maaasahan ang nilikhang One Hotel Command.