One dose vaccine, bakunang gagamitin sa mga Pinoy seafarers

One shot vaccine ang rekomendado nina vaccine czar secretary Carlito Galvez Jr. na iturok para sa mga Pinoy seaman.

Ayon kay Galvez, kanila itong naikunsidera lalo na at biglaan ang pagsampa ng mga ito sa barko.

Sinabi ni Galvez na ang nakita nilang  pinaka-convenient para sa mga seafarers ay ang Johnson & Johnson.

Bukod dito ay may application na din aniya na EUA ang Sputnik Light na ginagawa rin ng Gamaleya habang may isa pa aniya silang inaantabayanan din silang CanSino na isang dose lang din ang bigay.

Matatandaang nagbigay ng direktiba mismo ang Chief Executive na bigyan na rin ng prayoridad ang mga Pinoy seafarers sa ginagawang vaccination program ng pamahalaan.