Omicron variant kayang manghawa ng hanggang 10 katao ang isang kaso, ayon sa DOH

Kayang makapanghawa ng hanggang 10 katao ang isang kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Alithea De Guzman, Director ng Epidemiology Bureau ng DOH, base sa inisyal na pag-aaral ay 10 beses na mas nakahahawa ang Omicron kumpara sa original variant.

Habang mahigit sa 4 na beses na nakakahawa ito sa Delta variant, o hanggang 6 o 8 katao lang ang kayang mahawa sa isang kaso.

Gayunman, sinabi ni Dr. De Guzman na hindi pa malinaw kung maiuugnay ang Omicron variant sa mas malalang sakit, kumpara sa Delta variant.

Patuloy pa rin ang isinasagawang pag-aaral dito at tuloy pa ang pangangalap ng datos ang mga eksperto

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Dr. De Guzman na nananatili pa ring mabisa ang mga bakuna laban sa COVID-19, kaya naman hinikayat nito ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na para magkaroon ng dagdag na proteksyon.

Nilinaw pa ni Dr. De Guzman na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakakapasok ang Omicron variant sa Pilipinas.