OFW na nag-viral ang paghingi ng saklolo na si Menchie Romero, stable na ang kondisyon

Ligtas na sa anumang panganib ang overseas Filipino worker (OFW) na si Menchie Romero.

Ang Pinay domestic worker na nailigtas kahapon ng mga tauhan ng Migrant Workers for Alliance.

Ayon  sa source, maganda ang  resulta ng x-ray result ni Romero, at wala namang nakitang fracture dito.

Wala rin aniyang nakitang hemorrhage matapos isailalim sa CT scan si Menchie, habang maganda rin ang kinalabasan ng ultrasound nito at wala ring anumang indikasyon ng hemorrhage.

Under observation pa rin si Menchie, ayon sa nakausap nating source na stable naman aniya ang  lahat ng vital signs.

Nothing serious ayon sa source ang lagay ni Menchie, maliban na lang sa mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. | via Alvin Baltazar

Photo courtesy: https://www.facebook.com/elvie.pilapildelosreyes