Octa Research group, naniniwalang makakamit ang population protection sa bansa bago sumapit ang Pasko

Naniniwala ang Octa Research group na magiging ganap na protektado ang bansa laban sa COVID-19 bago sumapit ang pasko.

Ito’y sakaling umabot sa 350,000 ang mababakunahan laban sa COVID-19 kada araw.

Sa pagtaya ng Octa Research group, kapag nadoble ang kasalukuyang 195,400 na bilang ng mga nababakunahan kada araw, ay aabot na sa mahigit 60 milyong Pilipino ang bakunado sa Nobyembre 15.

Ayon sa Octa Research group, sapat na ito para makamit ng Pilipinas ang population protection. Una nang sinabi ng gobyerno na target na makamit ang population protection sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang sa Nobyembre 27, 2021.