NUP, PDP Laban, walang kompetensya

Walang balak ang National Unity Party (NUP) na makipagkumpetensya sa ruling party na PDP-Laban.

Kasunod ito ng paglipat ng 12 miyembro ng PDP-Laban sa NUP, at ang pag-adopt nila kay Presidential Son at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.

Ayon kay NUP President Elpidio Barzaga, wala silang balak labanan o talunin sa bilang ang PDP-Laban.

Asahan na rin aniya na magkakaroon sila ng limitasyon sa mga bilang ng mga tatanggaping miyembro.

Sa kasalukuyan, mayroon silang limampu’t apat na kongresista.┬áNasa tatlumpu’t tatlo naman ang sa PDP-Laban.

Habang ang isa pang partido na Lakas-CMD ay mayroong labing isang miyembro, kasunod ng paglipat dito ni dating NUP President at Capiz Representative Fredenil Castro.