NTF against COVID-19, naniniwalang natatanggap na ng publiko ang pagiging epektibo ng kahit na anong brand ng bakuna

Naniniwala si Deputy Chief Implementer at testing czar Vince Dizon na evenly distributed ang interes ng mga Pilipino kung pag- uusapan ay preference ng mga ito sa tatak ng bakuna.

Sinabi ni Dizon na kumbinsido siyang naiintindihan na paunti-unti ng publiko na ang pinakaepektibong bakuna ay ang bakunang available kahit na ano pang brand ito.

Naniniwala din ani Dizon siya na nauunawaan na ng marami na kayang pigilan ng lahat ng available na bakuna na mauwi sa severe COVID disease at mauwi sa kamatayan ang sitwasyon ng isang tinamaan ng sakit.

Kaugnay nito’y hiningi naman ng testing czar ang ang tulong ng media para patuloy na mai-educate ang publiko hinggil sa bisa ng bakuna at upang mas maging mataas ang kumpiyansa sa vaccine ng mga tao.

Lumabas kamakailan sa April 28 to May 2 SWS survey na pinakapipiliin ng nakararaming mga Pinoy ang tatak na Sinovac para magamit sa kanila na sinundan ng Pfizer, AstraZeneca at Gamaleya.