NPA, hindi nanggulo sa nakalipas na halalan — PNP Chief

Naniniwala si Philippine National Police Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na nakiisa ang New Poeple’s Army sa nakalipas na halalan.
 
Batay ito sa datos ng PNP National Election Monitoring Action Center (NEMAC) kung saan walang naiulat na panggugulo sa polling precincts ang NPA sa panahon ng halalan.
 
Ayon kay Albayalde, posibleng tahimik ang NPA sa halalan dahil nakinabang din sila.
 
Sinabi ni Albayalde na may intelligence reports na natanggap ang PNP na may mga NPA na nangolekta ng fee para sa permit to campaign at permit to win pero ito ay subject for verification pa.
 
Ang tanging NPA activity lang na na-monitor ng PNP ay ang panununog ng construction equipment sa Davao City bago ang eleksyon. | via Leo Sarne