Notice of withdrawal ng Pilipinas sa ICC, pormal nang naipaabot sa UN Secretary General

Naipaabot na ng Pilipinas sa United Nations ang desisyon ng ating bansa na kumalas sa Rome Statute na kumikilala sa kapangyarihan ng International Criminal Court o ICC.

Ito ay alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.  Sa Tweet ni Philippine Ambassador to the United Nations Teddy Locsin, pinakita nito ang formal letter of withdrawal ng Pilipinas sa tratado na naka-address kay UN Secretary General Antonio Guterres.

Aniya, personal niyang dineliver ang Notice of Withdrawal ng bansa sa UN Chief De Cabinet Maria Lyiza Ribeiro Viotti ng kopya ng liham.

Dito nakasaad na ang desisyon ng Pilipinas na kumalas ay ang paninindigan laban sa mga indibidwal na pinupolitika at ginagamit ang isyu ng human rights para sa kanilang pansariling kapakapanan.

Tiniyak rin dito ng Pilipinas na nasusunod pa rin sa bansa ang rule of law at respeto para sa human rights.  | via Nimfa Mae Asuncion