Northern Luzon Command, handa na para sa bagyong Ompong 

Handa na ang Northern Luzon Command (NOLCOM) sa inaasahang pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon kay NOLCOM Commander Lt. Gen. Emmanuel Salamat, inactivate na nila kahapon ang kanilang Command Center para i-coordinate ang lahat ng pagkilos ng kanilang mga Disaster Response Teams.

Anu mang oras aniya, ay nakahanda na para sa rapid deployment ang kanilang teams mula sa Naval Forces Northern Luzon (NFNL) at Tactical Operations Group (TOG) 1, 2, 3 ng Philippine Airforce, katuwang ang 1st, 2nd, 3rd and 4th Regional Community Defense Groups (RCDG) ng Army Reserve Command kasama ang Navy at Air Force Reservists.

Kung kakailanganin din aniya ay handa ang military training schools tulad ng Philippine Military Academy (PMA), Naval Education Center, Training and Doctrine Command of the Philippine Army, at Special Operations Command (SOCOM) ng Armed Forces of the Philippines na magbigay ng karagdagang supporta kung kakailanganin.

Habang nag-aantabay sa mga epekto ng bagyo, tumutulong din aniya ang mga sundalo sa repacking ng relief goods na ipapamahagi sa mga komunidad na maapektuhan ng bagyo.  | ulat ni Leo Sarne

Photos courtesy: NOLCOM