Non-essential outbound travel ng Pinoys, papayagan na muli simula Oct. 21 — Palasyo

Papayagan na muli ang mga non-essential outbound travel ng mga Pilipino simula October 21.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang tiyakin lamang na makapagsu-sumite ng confirmed roundtrip ticket.

Dapat ay may sapat ring travel at health insurance para sa mga gagamit ng tourist visa.

Kailangan rin ng immigration declaration, na nagsasabing alam nila ang panganib na kaakibat ng kanilang pagbiyahe.

Bukod dito, kailangan rin ng negative result ng antigen test 24 oras bago ang kanilang paglipad. Kailangan rin nilang sumunod sa mga guideline na ini-isyu ng National Task Force (NTF), sa oras na bumalik na sila sa bansa.

“Ito ay applicable sa lahat ng Pilipino, puwede nang mag byahe muli maski non-essentials kasama na rin yung mga Love is Not Tourism, yung mga Pilipino na merong mga fiance at mga iniibig sa ibang bansa, pupuwede niyo na po silang dalawin doon sa ibang bansa.” —Secretary Roque.