Non-compliance sa minimum health protocols sa mga pribado at tanggapan ng pamahalaan, pinatututukan

Pinatututukan ni AKO BICOL Party-list Representative Alfredo Garbin Jr. ang patuloy na non-compliance ng ilang government at private offices sa minimum health protocols.

Diin ng kinatawan, madalas na ang mga kaso ng COVID-19 ay naitatala sa workplace o trabaho.

Dagdag pa ni Garbin na salig sa data privacy law at regulation ang mga opisina ay dapat malaman ang COVID-19 results na nakuha sa kanilang workplace.

Partikular dito ang pagbibigay ng notice ng Department of Health (DOH) sa mga kumpanaya na may naitalang COVID-19 positive case at atasan ang mga ito na pansamantalang suspindihin ng hanggang dalawang araw ang kanilang operasyon para sa disinfection.

Pinatitiyak din ng mambabatas na mabibigyan ng tulong o assistance ang empleyado na tatamaan ng virus.