Nominasyon sa Int’l Law Commission kay Sec. Roque, di rason para di maipursige ang pagtakbo nito sa Senado

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi magiging hadlang ang pagtakbo nito sa susunod na taon para maging bahagi ng International Law Commission (ILC).Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi magiging hadlang ang pagtakbo nito sa susunod na taon para maging bahagi ng International Law Commission.

Kasunod ito ng nominasyon sa tagapagsalita ng Pangulo para maging parte ng nasabing ILC.

Paliwanag ni Roque, wala namang hinahawakang opisina ang mga miyembro ng ILC at dalawang beses lang din naman aniyang nagmi-meeting ang mga ito kada taon na ginagawa sa Geneva at New York.

Kaya sakali man aniyang magdesisyon siyang tumakbo sa Senado at palaring manalo ay hindi naman magiging sagabal ito upang maging bahagi siya ng ILC na aniya’y wala rin naman siyang matatanggap na suweldo.

Kaugnay nito’y pinasalamatan ni Roque ang Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin para sa kanyang nominasyon.