“No Mercy” ang PNP sa mga pulis na iligal na magpapaputok ng baril – NCRPO Director Albayalde

Babala ni Albayalade, walang second chance na ibibigay sa mga pulis na ito, alinsunod sa direktiba ni PNP chief PDG Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

“No Mercy” ang gagawing pagtrato ng Philippine National Police (PNP) sa mga pulis na iligal na magpapaputok ng kanilang mga baril ngayong Bagong Taon.

Ito ang inihayag ni National Capital Regional Police Office 
(NCRPO) Director Oscar Albayalde sa isang press briefing sa Camp Crame, kasunod ng pagkakasangkot ng tatlong pulis sa mga insidente ng indiscriminate firing.

Dalawa sa mga pulis na ito ang naaresto na at sinibak na sa tungkulin, habang pinaghahanap naman ang isa pa.

Babala ni Albayalade, walang second chance na ibibigay sa mga pulis na ito, alinsunod sa direktiba ni PNP chief PDG Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Albayalde na walang balak ibalik ng PNP ang dating gawain na pagseselyo ng mga baril ng mga pulis bilang pangontra sa indiscriminate firing tulong bahong taon.

Aniya, ipinatigil ni Dela Rosa ang gawaing ito upang ipakita na disiplinado ang mga pulis at kayang tumupad sa mga alituntunin. | via Leo Sarne