“No human contact policy” sa OFWs sa mga paliparan, pinamamadali ng Pangulo

“No human contact.”

Ito ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangyaring sistema sa mga paliparan, kasunod ng pagbigay nito ng parangal sa mga natatanging Overseas Filipino Worker (OFW) at kanilang pamilya kagabi sa MalacaƱang.

Sinabi ng Presidente, na kung kakayanin namang idaan sa “swipe” para sa mabilis na proseso ng paglabas-masok ng mga gumagamit sa airport ay bakit hindi gawin.

Mas maigi aniya ito kaysa sa dumaan pa sa mabusising proseso ng sangkaterbang dokumento at pisikal na inspeksyon.

Binigyang-diin ng Pangulo, na hindi maisasantabi ang malaking ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa, kaya marapat lang na masuklian ang mga ito ng kahit sa simpleng bagay lang, sa pamamagitan ng mas mabilis at makabagong proseso na ipinapatupad sa mga paliparan.

Utos ng Pangulo sa mga kinauukulan, bilisan ang pagproseso sa airport sa mga dumarating at umaalis na OFWs. | ulat ni Alvin Baltazar