‘Ninja cops’, isang dahilan kung bakit ‘di dapat ibalik ang death penalty

Naniniwala si Buhay Partylist Representative Lito Atienza na sapat na dahilan ang criminal activities ng “ninja cops” kung bakit hindi dapat maibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Sinabi ni Atienza, na dahil sa iligal na gawain ng mga police scalawags, ay mas lumalaki ang posibilidad ng ng pagtatanim ng pekeng drug evidence at pangingikil.

Maaari rin aniyang abusuhin at gamitin ang death penalty bilang pantakot ng ninja cops sa kanilang mga biktima, para hingan ang mga ito ng malaking halaga ng pera.

sa ilalim ng panukalang batas na tinatalakay sa Kamara, sakop ng parusang kamatayan ang krimen na may kaugnayan sa droga, plunder, kidnapping at rape.