Ninakaw na equipment sa Mayon observatory station, napalitan na – Phivolcs

Umapela na sa publiko ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na huwag pakialaman at nakawin ang mga equipment nito na nagmu-monitor sa aktibidad ng mga bulkan sa bansa.

Ginawa ni Phivolcs Research Specialist Paul Alanis ang panawagan kasunod ng pagnanakaw sa dalawang solar panel ng observatory station sa Brgy. Masarawag, Guinobatan, Albay.

Ang mga solar panel ang siyang ginagamit para sa equipment na sumusukat sa 
 sulfur dioxide emission sa hangin ng bulkang Mayon.

Sinabi pa ni Alanis, dapat isaalang-alang ng sinuman na malaking kawalan ang pagkawala ng instrumento para ma-detect ang aktibidad ng bulkan lalo pa’t hindi pa tapos ang pag-aalburuto nito.

Pero ayon sa Phivolcs agad namang napalitan ang nawalang solar panels.

Noong buwan ng Enero, ninakaw din ang 
solar panel at dalawang deep cycle batteries sa Mayon observatory station sa Barangay Lidong, Sto. Domingo. | ulat ni Rey Ferrer