Neutral desks bill para sa mga estudyante, isa nang batas

 

Kailangan nang magkaroon ng neutral desks, o arm chairs ang lahat ng paaralan sa bansa na maaaring gamitin ng mga right-handed at maging left-handed students.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11394, sa unang taon ng implementasyon ng batas, dapat agad na magkaroon ang bawat paaralan ng neutral desks na katumbas ng 10% ng populasyon ng kanilang mga estudyante. At dapat itong madagdagan sa mga susunod na taon.

Iniatas naman sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagtukoy ng regulasyon, kabilang ang administrative penalties o multa sa mga hindi susunod.

Ika-22 ng Augosto nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas, na maging epektibo 15-araw matapos na opisyal na mailathala.