Netizens, namangha sa mura pero eleganteng wedding dress ni Rich Asuncion; Daniel Craig, magbabalik sa big screen bilang si James Bond

Standout pa rin ang ganda ng 29 year-old Kapuso actress na si Rich Asuncion habang suot ang kanyang affordable but chic wedding dress.

Ang napili niyang form-fitting at ruffled off-shoulder white dress ay nagkakahalaga lamang ng AUS$129 o mahigit PHP5,000 at kanyang nabili sa isang ready-t- wear boutique sa Australia.

Pinatunayan ni Rich na hindi kailangang mahal ang wedding gown sa kanilang pag-iisang dibdib ng rugby player na si Benjamin Mudie sa Hong Kong nito lamang May 28.

Samantala, muling makikita sa big screen bilang si Agent Double 07, James Bond ang actor na si Daniel Craig.

Noong 2015 ay sinabi na ni Craig na titigil na ito sa paggawa ng James Bond films.

Pero kamakailan lamang ay nagsimula na ang filming ng 25th installment ng pelikula sa Cardona Spain. | via Kathleen Forbes