NEA, nag-remit ng P1.35-B unused subsidies para sa laban vs COVID-19

Ni-remit na ng National Electrification Administration (NEA) sa national government ang ₱1.35 bilyon na unused subsidies at dividends, para magamit sa pagtugon sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon kay NEA Administrator Edgardo Masongsong, inaprubahan ng NEA Board of Administrators ang remittance ng pondo sa Bureau of Treasury .

Sabi pa ni Masongsong, makakatulong ang pondo sa inisyatibo ng pamahalan na maabutan ng mga pangangailangan ang publiko.

Lalo pa at maraming industriya at kabuhayan ang lubhang naapektuhan, dahil sa krisis sa pangkalusugan.

Samanantala, pinalawig na ng 30 araw ng NEA ang payment deadline para sa loan amortization ng electric cooperatives, na nakatakda sana noong March 31.