NDRRMC Usec. Jalad, naka-home quarantine na rin dahil sa COVID-19

Sumailalim na rin sa Home Quarantine si National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad

Ito ay makaraang ma-expose si Jalad sa isang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 nitong Sabado at Lunes

Gayunman, nilinaw ni Jalad, na wala siyang nararanasang ano mang sintomas ng sakit at maayos naman ang kaniyang pakiramdam, kayamaituturing siyang person under monitoring o PUM.

Subalit dahil sa mga inirekomendang panuntunan ng Department of Health o DOH, sinabi ni Jalad, na kailangan niyang sumailalim sa quarantine sa loob ng 14 na araw.