NDRRMC, umaasang hindi magkakaroon ng casualty sa pagpasok ng bagyong Inday

Umaasa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na walang maitatalang casualty sa paghagupit ng hanging habagat na pinalalakas ng mga bagyong nasa bansa.

Ito ang sinabi ni NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas kasunod ng pagiging isang ganap na bagyo ng tropical depression Inday.

Sa kabila nito ay tiniyak ni Posadas na mananatili silang nakabantay lalo’t inaasahan nilang magtutuluy-tuloy ang mga nararanasang ulan sa mga susunod na araw partikular sa Regions 3, 4-A, 4-B at NCR.

Samantala sa ngayon ay may naitala nang 2.9 milyong piso halaga ng pinasala sa agrikultura sa MIMAROPA Region.

Ang iba pang detalye ng kabuuang pinsala naman ay kinukumpleto pa ng ahensya dahil patuloy pa rin ang pagpasok ng mga bagong impormasyon mula sa mga apektadong lugar. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion