NDRRMC, nanawagan na mas seryosohin ang earthquake drill  

Nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga mamamayan na mas seryosohin ang mga earthquake drills.

Ito’y kasunod ng matagumpay na pagsasagawa ng 3rd Quarter nationwide earthquake drill kahapon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, kapuna-puna ang naging mas aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa buong bansa sa isinagawang ehersisyo kahapon.

Marahil aniya ay dahil sa sariwa pa sa kanilang kaisipan ang malakas na paglindol na naganap sa Batanes kamakialan.

Panawagan pa ni Timbal sa lahat ng pamilyang Pilipino na palaging maging handa sa lindol, dahil nagsisimula aniya ang paghahanda sa sarili at sariling pamilya.

Samantala bago matapos ang taong 2019 ay muling magsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ang NDRRMC bilang paghahanda sa “the Big one” na maaring tumama anumang oras.